tag:blogger.com,1999:blog-2771324757385312284.post4373018364296830220..comments2023-12-15T05:19:45.164-08:00Comments on In Memory of Lorena Barros: Unknownnoreply@blogger.comBlogger1125tag:blogger.com,1999:blog-2771324757385312284.post-89370765315972245212012-03-17T21:44:41.143-07:002012-03-17T21:44:41.143-07:00Nagkasama kami ni Lorena nang maigsing panahon sa ...Nagkasama kami ni Lorena nang maigsing panahon sa isang UG house noong panahon ng martial law. She was then a nursing mother. Masaya ang maliit naming grupo -- bagamat laging nakaalerto sa maaaring pagkabunyag sa aming kinaroroonan. Bukod sa mga political discussion ay nagkukuwentuhan din kami tungkol sa buhay-UP noong panahon ng aktibismo at wala pa ang batas militar. Lahat kami'y mga manunulat sa UG house na iyon. Pagkaraan ay naiwan na kami sa lungsod at si Lorena ay nagtungo na sa kanayunan, at malamang na naiwan sa pamilya ang kanyang sanggol -- ito pa lamang ay isa nang napakalaking sakripisyo para sa isang ina, ngunit si Lorena ay hindi lamang isang ina. Nabalitaan na lamang namin pagkaraan ng ilang buwan ang pagkakapaslang sa kanya. Marami na ang nasulat na parangal at papuri sa kanyang naging buhay at pag-aalay sa bayan. Narito ang aking ambag, dalawang bersiyon sa dalawang wika ng iisang damdamin ng paghanga't pagpapahalaga:

TAGULAYLAY KAY LORENA, MAKATANG YUMAO'Y WALANG KAMATAYAN

may dagim ang langit
may apoy sa natigmak na lupa
nang nulas sa mga burol
ang huli mong lunting tula

Mutya ka noon ng palaspas at kawayan
Sa hantungang may tanod na bundok at burol.
Maging ang bato’y napahumindig, sa pagtapyas
Ng tinggang namuhi sa tatag ng tanggulan.

Dumagsa pagkaraan ang ulan ng Enero
Itinakas ang dagtang tumagas upang ito’y
Ilagak sa bukal na tungong kapatagan.

Lupa kaya’y nagtaka? Kay-init ng katawan mo
Anong payapang nahandusay, yumakap sa damo
Sa tinik at luwad ng pinithayang larangan.

Minsan, tinulaan mo ang ligaw na liryo.
Paano pa napansin ang rilag ng kasukalan?
Yaon kaya’y biglang haraya ng patutunguhan
O harding pinangarap pagkalipas ng bagyo?

A, ikaw rin yaong liryo, babaing nag-ingat
Ng liwanag, lakambining tumanglaw sa landas
At kadawagang siil-siil ng habagat.

Panahon pa ng luksa, ngunit buháy ang alab
Ng kamay mong dumampi’t labing pinarilag
Ng tula, tula sa pag-ibig ng diwang alitaptap.

Ito’y aming tataglayin habang talunton ang dilim
Sa pinagtamnan mo ng manigong bulaklak.

Bicutan, 1978

TO A POET DYING IMMORTAL

Yesterday I had a talk
With an old man
Who had your eyes—
The same laughing squint
Hiding a watchfulness
That catches even hints
Of rainbows.

—Maria Lorena Barros

Fronds, unbidden, danced into crosses
upon a death ground of proud trees
and humble hills. The birds knew when
to chirp their elegies.

The rocks seemed to renew themselves
in anger, where they had been chipped
by lead warring against earth.

Rains poured in January
they spirited away your blood
into the roots of quiet bamboo, into
the headwaters of lowland springs.

The earth must have felt wonder
this warm body has slumped so nobly
clutching the clay beneath grass
a prophecy of reunion, coming home.

You had written of lilies in the forest
undergrowth, unfolding like remembered
eyes of your one love, eyes more constant
than the glimmer of fireflies, lilies like
night-cleaving signs in a dark season
of recurring monsoons.

The sudden forest end was only a few
moments of pain, yet we shall need a brave
cycle of nights, days, a lifetime
of darkness and light, to keep holding on
to your hands, to feel your spirit fully

that leads us towards those trails
where you planted your flowers.

Diliman, 1983

EDGAR B. MARANANedhttps://www.blogger.com/profile/14136594202104739141noreply@blogger.com