December 10, 2011

SAMPAGUITA


This morning Little Comrade
gave me a flower’s bud
I look at it now
remembering you, Felix,
dear friend and comrade
and all the brave sons and daughters
of our suffering land
whose death
makes our blades sharper
gives our bullets
surer aim.

How like this pure white bud
are our martyrs
fiercely fragrant with love
for our country and people!
With what radiance they should still have unfolded!

But sadness should not be
their monument. 
Whipped and lashed desperately
by bombed-raised storms
has not our Asian land
continued to bloom?

Look how bravely our ranks
bloom into each gap.
With the same intense purity and fragrance
we are learning to overcome.


             - Ma. Lorena Barros 
               Summer of 1973
               Published in Ulos





SAMPAGITA

Kaninang umaga ang Munting Kasama’y
naghandog ng buko ng bulaklak.
Minamasdan ko iyon ngayong
Ginugunita kita, Felix,
Mahal na kaibigan at kasama
At lahat ng magiting na anak
Ng ating nagdurusang bayan
Na ang mga kamatayan ay
Nagpatalas sa ating mga sundang
At nagbigay sa ating mga punglo
Ng tiyak na puntirya…

Katulad nitong dalisay na talulot
ang ating mga martir
na may bangis at halimuyak sa pagmamahal
sa ating bayan at mamamayan!
anong rikit ng liwanag na dapat pa nilang ibukadkad!

Ngunit hindi lungkot ang dapat
nilang bantayog.
Hinaplit sa kawalang pag-asa
ng sigwa ng mga bomba
Di nga ba’t ang ating Asya
ay patuloy na namumulaklak?

Masdan kung gaano katapang ang ating hanay
na bumukadkad bawat patlang.
Nang may katulad na masidhing kadalisayan at halimuyak
Natututo tayong magwagi.

(Salin ni Joel B. Saracho)




















No comments:

Post a Comment