May 27, 2011

OPERASYON BAHA


by Ma. Lorena Barros

Philippine Collegian
September 11, 1970


The response from the more affluent
was more spontaneous and more generous
the majority of them anonymous.
National disaster
brings out the best in us.
We still have good reason to be proud of ourselves.
         - Teodoro Valencia
           Over a Cup of Coffee 9/7/90

     “Ten mattressed beds in the refugee room (Marikina Youth Center and Welfare Building: unpainted wood wetly dark, new but one can feel the termites gnawing) beside the Metrocom Office.”

     Mga sampung pamilya ho kami rito. Hindi namin kasama ang mga iyan, nadatnan na namin sila rito.
     Mga Igorot.
     Tignan mo ‘yung isa, pati bisig may tattoo.

     “The millionaire’s accountant is better off than the millionaire’s driver. The millionaire’s driver is better off than the squatter in the slums across the street. The squatter has four flimsy walls and a patchwork rook; the cart dwelling scavenger has none. But he is better off than the Igorot, he is a Christian and civilized, a mirror in the mud reflecting skyscrapers. Even in the greatest adversity there are always those who are more miserable. Hail pollyanna.”

     Sa Melitona kami galing, sa tumana.
     Sa tumana, sa may tabing ilog. Doon kami nakatira.
     Hindi sa subdibisyon. Sa labas kami, ganito:

     “But she is young, the face smooth and brown, the curve of the belly vibrant with new life. So why are her hands an old crone’s hands, large and big-veined and the palms with skin like rubber? She is young...her old hands sketch upon the mattress the diagram of their old lives:”

     Nandito ang ilog, eto ang subdibisyon, dito kami sa gitna. May pader dito.
     Kaya kami binaha nang ganito, dahil diyan sa pader na iyan.
     Ang sabi ng mga datihan sa tumana, noon daw ay bumabaha rin pag apaw ng ilog ngunit ngayon lang tumaas nang ganoon ang tubig. Mangyari’y naglagay ng pader ang may-ari ng subdibisyon, napakataas at mahabang-mahaba. Kaya’t lugar na tuloy-tuloy ang daloy ng tubig papunta sa bukid, nahihinto ng pader at tumataas nang tumataas.

     Dati kasi’y bukirin lang ang lugar na iyon. Ngayon’y gagawin nang subdibisyon.
     Pinaalis nga kami ng may-ari sa dati naming lugar. Dati’y hindi naman kami ganito kalapit sa ilog nakatira. Medyo paloob. Ngunit pinaalis kami ng may-ari at sabi’y tatayuan daw ng mga bahay na magagara ang lupa.
     Inilipat namin ang aming bahay sa tabi ng ilog.
     Siguro nama’y walang may-ari ng pampang. At walang magkakagustong magtayo ng bahay doon. Kundi kami.
     Kahit kami’y ayaw doon, ngunit anong magagawa mo? Mabuti na kaysa wala.

     “She is old, a fine-lined face with incongrously flirtarious red-betel-stained lips. (Why aren’t you dead? I ask you-why aren’t you dead. How did you get that gray hair? How did you manage to survive?”)

     Alas dos ng umaga, ineng, nang kami’y lumikas. Napakadilim. Abot na sa baywang ang tubig sa loob ng bahay.
     Ang aking iniipong balutan ng Breeze, naiwanan. Inanod na siguro.
     Ang kuwintas kong bigay pa ni Inay.
     Ang mga bata na lang ang nailabas namin, bukod sa aming katawan.
Napakabilis ng pagtaas ng tubig. Wala kaming nadala ni anumang kasangkapan.
     Eto, may nadala akong ilang damit. Basa lahat.

     “Don’t breathe. The air is full of the odor of damp decay. Don’t inhale. Don’t decay.  Will the sun ever come out and dry these clothes, these muddy floors, these faces?”

     Ang sabi ko naman sa kanila’y hindi bale, basta buhay tayong lahat.
     Hu, buhay! Buhay nga, walang-wala naman.
     Nagsalita na naman ang asawa mo.

     Ang sabi nung gagong si Johnny sa radyo, siguro daw ito’y babala sa atin ng Diyos, pagka’t tayo’y makasalanan. Anong makasalanan? Bakit ang mahihirap lang ba ang makasalanan? E bakit kung sino pang may kakaunti lamang ay siya pang binabaha, inaanod ng dala-dalawang pinggan at iisang baso ang iisang banig, ang iilang damit? Yung mga mayayaman sa kanilang mga naglalakihang bahay na bato sa loob ng kanilang mga nagtataasang bakod naanod ba ang kanilang mga kagamitan. Sila ba’y walang kasalanan?
     Si Doming naman.
     Si Doming naman. Mabait naman sila a. Hindi ba’t pinapasok pa kami sa bakuran?

     Oo nga naman. Nang umalis kami sa amin, ineng humingi kami ng silong sa isang bahay ng mayaman doon sa may kalsada. Pinapasok ang mga babae at bata at pinainom pa kami ng kape. Para daw mainitan ang aming sikmura.
     Mabait naman sila.

     “The men stayed out in the raging rain; it was all right, as long as the women and children were dry. That big rich warm lighted house: they’re afraid we’ll loot it once we get in. (What are a few looted mansions compared with their looted lives?”)

     But here’s loot! Old clothes. You don’t have to loot them. Here. Old clothes they give you, rather than throw away.”

     Hoy, dalawa na iyang hawak mo, akin naman ito!
     Akin, akin-
     Akong nauna rito a.
     Bakit lalaki ka ba, ba’t hawak mo iyang pantalon.
     Mapupunit lang e, bitiwan mo!
     Walang-wala kasi kaming damit, ineng. Agawan tuloy.
     Para kayong ngayon lang nakakita ng lumang damit.
     Si Doming naman.

Ba’t ikaw, hindi ka magsusuot nito? Kay bilis pa naman niyang asawa mong mang-agaw.

     “And the children? Fair hopes of their fathers. This little girl’s arms and legs covered with sores (how will she grow up to be Miss International) that boy’s lips, ringed with ulcers: vitamin deficiency (how will he learn to smile) distended bellies. These worms, they can’t wait for death, they begin to feast on child flesh”.

     Suot na niya ang isa, o. ‘yung bata sa may pinto.
     Lalaki iyan.
     Bakit naman pambabae ang isinuot mo?
     Wala akong nakuhang panlalaki e.

Ang panganay ko’y bakla. Napakabait. Nagtitinda sa palengke. Kahit anong trabaho papasukan. Ano bang hiya-hiya.

     “Where do they come from, the patient people who fill the slums and the sidewalks at night the pickpockets the beggars the prostitutes these transplanted peasants whose wide earthspreading feet can’t fit into the rich man’s slender shoes?

     Taga-Leyte kaming lahat.
     Ang iba’y matagal na rito-mga anim na taon. Kami’y kaluluwas lamang.
     Nandito na ang aking mga anak, ineng. Sumunod na lang ako.
     Nagtatanim. Nagtatanim kami sa tumana.
     Mais. Mga gulay. Kangkong. Kamote. Petsay. Marami.
     May kangkungan ako. Sigruo’y wala na ngayon, naanod na. Paano kaya ngayon?
     May anak ka namang nagtratrabaho a.
     Kung sabagay. Peon.
     Peon, ‘yung nagsisimento ng pader.
     Sabihin mo kung aling pader.
     Pader ng subdibisyon!

     Kakatuwa, ano, ineng? Ang pader na siyang dahilan ng pagbaha sa amin ay tinutulungang itaas ng isa sa amin. Pero anong magagawa mo? Mabuti pa iyon kaysa walang trabaho.
     Walang maaring mamili ng trabaho. Kung ayaw magutom. Kaya na nga ba sinasabi ko dito sa asawa ko e tama na ‘yang hiya! Ano bang hiya-hiya, nagugutom na ang mga anak mo. Kung ako’y walang dinadala, kahit taga-linis ng tae’y tatanggapin ko.

     Mahirap ang buhay.

     “And you, women, when will you cease to be apologists for the status quo? When will you stop scolding and soothing away the anger, the rage, the maimed dignity of your men and instead stoke their fire to greater burning? When will you cease to be dead weights pulling them to the mire, and instead be the vision of a happier time?”

     Mahirap ang buhay.
     Mas mahirap ang buhay sa probinsiya.
     Oo nga.

     Bakit kamo, ineng? Oo nga’t kung magtatanim ka lang ay may makakain ka na. Ngunit pagkain lang ba ang kailangan ng tao?
     Walang pera. Walang pagawaan. Dito sa Maynila, huwag ka lang maghiya-hiya ay may pagkikitaan ka na.
     Tama! Dito’y kay daming nangangailangan ng yayang tagahimod ng puwit ng kanilang mga anak, o ng kanilang mga asawa. Ng mga taga-punas ng upuan para sa mga iksekyutib, taga-bukas ng pintuan, taga-sara ng pintuan, taga-bantay ng pintuan, taga-paypay o taga kumpuni ng air-conditioner. Ng mga tsuper, ng mga taga-linis ng kalye, taga-gawa ng kalye, taga-bakbak ng kalye, taga-pangalaga ng mga harding mas malawak kaysa bahay mo. Ng mga taga-kain ng dumi!
     Doming naman.

     Kasi’y wala kang pinag-aralan, Doming, kaya tagakain lang ng dumi ang maari mong maging trabaho. Kaya na nga ba kahit hirap na hirap ako’y pinipilit kong mapag-aral ang kahit isa lang sa aking mga anak. Pero paano kaya ngayon, wala na ang aking kangkungan?
     Hindi naman pumapasok ang anak mo a.
     Naku e hihinto daw muna siya. Wala kasing pera para sa kanyang mga damit. Ayaw pumasok nang hindi disente ang damit. Pagtatawanan lang daw siya ng kanyang mga kaklase. Kaya’t nag-iipon sana ako ngayon, para sa isang taon...

     Hu, pinag-aralan! Hindi nyo ba alam na ang mga bellboy sa Hilton ngayon, kailanga’y college student? Sige paghirapan n’yo ang pag-aaral ni Ernie, tignan natin kung anong lalabas. Pag may pinag-aralan ka, mas disente nga ang suweldo mo pero taga-kain ka pa rin ng tira. Taga-tago ng kayamanan ng iba akala mo kung sino nang mga bank teller na ‘yan, nakauniporme pa. Taga-pangasiwa lang ng yaman ng iba, ng kung sinong hindot, kailangan commerce graduate. Iksekyutib, puta!
     Ke may pinag-aralan.
     ke wala
     puta, puta puta puta
     taga-kain ng tira
     Ako, isang lalaking tinatawag: nasaan ang aking kalalakihan? Ang alipin ba’y may bayag? Araw-araw ay nilululon ko ang aking hiya, humahalik sa lupa pagkat may asawa’t anak na nagugutom. Bakit kailangang mamili sa hiya at pagkain? Bakit kailangang mamili sa pagiging tao at pagiging patay-gutom? Ako ba’y isinilang upang maging busabos?

     Putaputaputaputa
     mabuti pang mamundok
     mamatay ka ma’y lumalaban
     at makapatay rin
     at malay mo
     Marami tayong api
     napakarami
     mas marami sa nang-aapi.