July 30, 2013


1:40 p.m.
           21 August

black hair black
cold marbled cheeks
thy lips o they stab me
thy distance o it hurts me here
where my belly knots up when I see you
and your brows and your eyes and
your ears
and slender strong arms
and slender hands


3:00 p.m.
22 August

quiet, now, content
like dragonfly asleep upon a leaf
on an afternoon pond
or perched atop a rare twig showing
above the water
quiet afternoon water shallow
amid the moss
I think of you
and am happy at your indifference.
I am content
what though my dreams
are as reflected leaves
shadowy, vague
upon an afternoon pond?
Even now I watch
one leaf
still green
plash upon the water
I do not ask, there is no use to ask,
where green dark shadows sink
at twilights’ coming.
I am content
with the reflected heights
of my sole afternoons
with only the wind upon the grass
upon dark shadowed waters
cold, yes
still, yes
and at peace


but still
there are the dragonflies
two now upon a leaf
coupled like two April skies.
air-wings a-quiver mightily with the wind
the same wind that the mosses heed not
or can not

I hear the cricket sing
O sad that leaf dreams
on an afternoon pond
could never hold a cricket-song
but must be dark and mute
while dragonflies
blue or red as April skies
Cavort like lightning upon the surface
Shaken by an afternoon wind
shaken to dumb darkness
yet quiet,
quiet and still
shadows breeding silent moss
and sunlight only showing
how so very dark it is
beneath afternoon waters.

June 6, 2013


TWO POEMS (1)


I                                                                       II


So this                                                 Cool breezes gently touch
is how it is                                                       cold tombs still clean
after the sacrifice                                            from November’s brush
bare altar                                                         the dead are deadly calm.
Solemn rows of                                              
once more waiting pews                                 I feel the wetness of
only the sunshine now                                    the greedy grass
on the marbled aisles                           and I think of
and a little red light.                            The Christ born to give life
and the dead who are deadly calm.
And yet                                                          
it is right                                                          And I say
for, satiated,                                        o lord, forgive me but
What need was there to stay?           I cannot see
the dead so deadly calm
alive.



 The Weekly Nation
 August 1, l966

April 29, 2013


DALAWAMPU’T ISA


Botante na ko-aks pare
tumatanda tumatanda
humahaba ang baba
boboto ba ko-aks pare
kanino pare

kay Marcos at Lopez walang kapari sa kaariang
labis problema sa bigas kanilang nilutas sa dolyar-
Rockefeller o Big White Father Mabuhay Marcos at
Lopez sigaw ng patay sa kapatagang luzon at ng mga
taong pagong (sunong-sunong ang buong kabuhayan at
dikit ang tiyang bulatihin sa daan) Mabuhay!

Botante na ko-aks pare
tumatanda tumatanda
lumalabnaw ang dura
boboto ba ko-aks pare
para ano pare

No comment lang silang lahat mamamatay na ‘ko nang
dilat The life you save Osmenang tagapagligtas ay
isa pa ring dilang bibigkas ng hosana’t sisipsip sa
pundilyong kano, isa pa ring mangmang na aasa sa
pangakong mapapako sa tubig ng balong artesian ng
isa nang yumao Pag nanalo si Osmena siya’y tiyak
na tataba.

Botante na ko-aks pare

Philippine Collegian
Sept. 3, l969









March 23, 2013

Mensahe sa Luksang Parangal para kay Laurie.  Binasa at sinulat ni Felicidad Ramos, pinakabatang kapatid ni Nanay Alicia Morelos noong Abril 2, 1976.


Aking mga kapatid,

Dapat sana'y ang ina ni Laurie ang nasa harap ninyo ngayon, subalit ang aking kapatid ay nagdadalamhati at hindi makakayanan ng kaniyang kalooban ang magsalita sa inyo.  Kaya't ako ngayon ang naghahatid sa inyo, sa ngalan ni Alicia sampu ng buong kamag-anakan ni Wowie, ang walang katapusang pasasalamat sa inyong lahat na nakikihati sa aming kalungkutan at tumulong sa pagsasa-ayos ng bangkay ng aming si Wowie.

Nais kong isiwalat sa inyo ngayon ang isang katangian ni Laurie na sapul sa kanyang pagkabata ay kanya nang taglay - ang pagmamahal sa mahihirap at ang kawalan ng ugaling makasarili.

Nang si Wowie ay nasa mababang paaralan pa lamang may isang ugali siya na hindi maalis sa king ala-ala kailanman.  Sa tuwing magdadapit hapon ay tatayo siya sa bintana sa likod ng bahay at hihintayin ang oras ng pagkain ng mga "squatters."  Tinatanaw niyang pilit ang sistema ng kanilang pagkain, ano ang kanilang ulam, sapat ba ang kanin o inirarasyon lamang?  Ang larawan na kanyang laging nakikita ay mga platong may kanin at platito ng asin.  Araw-araw ay iyan ang kanyang nakikita.  Mananaog na siya at walang sawang itatanong na paulit-ulit sa kanyang ina kung walang magagawa ang sinuman para sa mahihirap na iyon.  "Ano ang ginagawa ng pamahalaan para sa kanila?  Tayo, Nanay, wala ba tayong magagawa para sa kanila?" Iyan ang aming si Wowie!  Ang kanyang puso't kalooban ay nasa mahihirap at ang ginawa niyang pangarap sa buhay ay ang mahango sa karalitaan ang mga kapus-palad na ito.  Si Wowie, na kahit naghahapdi ang tiyan sa gutom ay ibibigay pa rin sa mahirap ang kanyang kakainin ay naririto ngayon at isa ng bangkay.

Subalit ang buhay ni Wowie ay hindi dito natapos.  Ito pa lamang ang simula.  Kung magiging makahulugan ang kanyang buhay ay walang makapagsasabi.  Ang nalalaman ko lamang ay ito...ang makapagbibigay ng kulay sa kanyang buhay ay tayo.  Ang pinasimulan ni Wowie ay ang pag-alay ng kanyang buhay sa kapakanan ng mahihirap na mayroon ding karapatang lumigaya sa buhay.  At yamang nasa ating mga kamay  ang katuparan ng mithiing ito ni Laurie, ako ngayon ay nakikiusap sa inyong lahat na huwag kayong maging maramot sa pag-ambag ng tulong upang huwag masayang ang pasimulang ibinigay sa atin ni Laurie.

March 3, 2013

WALANG PUWANG ANG HINAGPIS
ni Joey C. Papa

Marami akong hinangaang mga kapwa aktibista noong mga una at huling mga dekada ng ’69 at ‘70 at ang isa sa kanila ay si Lory Barros, naging tagapangulo ng Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan o MAKIBAKA.

Hanggang ngayon ay buong-buo pa ang mukha at ang buong katauhan ni Lory sa aking isipan. Hindi maiaalis sa alaala ko ang masayahing mukha niya na waring laging may nakahandang ngiti sa mga kapwa aktibista at maging sa mamamayang pinag-alayan niya ng kanyang buhay hanggang sa huling sandali ng kanyang pakikibaka laban sa mga sumusupil sa karapatan ng mamamayang Pilipino.

Ang mga ngiti ni Lory sa oras ng mga krisis o kagipitan ay hindi nawawala at lagi siyang kinakitaan noon ng matibay na paninindigan sa pagharap sa anumang uri ng pagsubok.

Maraming pagkakataon na nakita kong nananatiling buo ang kalooban ni Lory sa mga gipit na pagkakataon. Sa loob ng Fort Bonifacio na kung saan nagkasama kami bilang mga bilanggong pulitikal, ipinamalas niya ang katatagan noong nalaman niyang nadakip ang asawa niyang si Mon Sanchez.

Pinahihirapan daw si Mon, kuwento niya sa ‘kin. Pinipilit daw sumanib si Mon sa mga sundalong militar at kung anu-ano pang mga balitaang nakarating kay Lory. Waring ‘di pinansin ‘yon ni Lory. Ngunit sa mga pag-uusap namin, naramdaman ko rin ang kalungkutan na pilit niyang ibinabaling sa rebolusyonaryong katatagan. Nalagpasan niya ang krisis na ‘yon hanggang sa isa siya sa mga tumakas na Bilanggong Politikal (BP) mula sa pakakapiit sa Ipil Detention Camp sa Fort Bonifacio noong l974.

Dahil sa pagtakas na naganap, naghigpit ang administrasyon ng mga sundalo at naapektuhan ang mga pagdalaw ng mga pamilya ng mga bilanggong pulitikal.

Sa isang yugto ng aming pagkakapiit, naglunsad ang mga bilanggong pulitikal ng isang hunger strike sa loob ng detention camp. Isa si Lory sa mga nagbigay ng mahusay na pamumuno upang hindi bumaba ang moral ng mga BP. Hindi pinapapasok ang mga dalaw namin. Ibig sabihi’y pati ang mga pagkain at pangangailangan ng mga bilanggo ay hindi pinapayagang makapasok sa loob ng bilangguan. May ilang bilanggong pulitikal ang agad na pinanghinaan ng loob at nagpasyang tumiwalag sa hunger strike. Ngunit ang mayorya ng mga BP ay nanatiling naninindigan sa inilunsad na welga.

Maliwang ang sinabi noon ni Lory. “Nakakulong na tayo. Nakatikim ng pagmamalupit, tortyur, paglapastangan, at pagkakait ng mga karapatang pantao. Ikinulong na tayo, pinahihirapan pa rin tayo. Kaya walang mawawala sa ‘tin kung lalaban tayo ngayon sa pamamagitan ng hunger strike.”

Dahil sa mga salitang ‘yon, maraming mga bilanggong tumiwalag at humiwalay sa strike ang muling lumahok at nagpatuloy sa welga nang may panibagong katatagan.

Sa loob din ng Ipil, mahusay na niliwanag ni Lory na ang bawat isang aktibistang bayan ay kailangang pagsumikapang pag-aralan ang pagsasalita ng mahusay at maliwanag sa harap ng masa. Sinabi niya ito sa harap noon ng tagumpay ng mga pagtatanghal pangkultura at katatapos na timpalak bigkasan sa loob mismo ng bilangguan. Sa kanyang karanasan, marami pa ring mga aktibista aniya ang nananatiling tahimik kung kaharap ang masa lalo na sa mga lalawigan. Sa madaling salita, kailangang maging isang manggagawang pangkultura o “artista” rin ng bayan o alagad ng sining ang mga aktibista ng sambayanan.

May pagtatanghal naman noon sa UP ang Tanghalang Bayan, isang grupong pangkultura na kinabibilangan ng mga kabataang taga-Tundo at dito’y nasaksihan ko ang kahandaan ni Lory sa pagtulong sa mga kasama sa dulaang nabanggit. Kinailangang may maghampas ng kahoy sa sahig para magsilbing tunog ito ng putok ng baril dahil kinulang ang mga tauhan ng dula. Simbilis ng kidlat na kinuha ni Lory ang kahoy at inihampas niya ito sa sahig.

Laking tuwa ng mga kasapi ng Tanghalang Bayan. Natutuwa ako dahil nakita ko si Lory na masayang-masaya, tumatawa, na siya’y nakalahok din daw sa isang pagtatanghal kahit tagahampas lang daw ng kahoy. Mula noon ay naging malapit si Lory sa mga kasapi ng nabanggit na tanghalan.

Hindi mahalaga kay Lory kung siya man no’n ay Tagapangulo ng Makibaka o isang pangkaraniwang kasapi lamang. Ipinakita niya ang halaga ng kolektibong pakikilahok sa anumang pagkilos, ikaw man ay baguhan o beterano, o kaya’y pinuno o lider. Walang malaki at maliit na gawain para sa isang tunay na aktibista ng bayan.

Noong naganap naman ang Diliman Commune, isang kilos protesta ng mga mag-aaral ng University of the Philippines (UP) laban sa administrasyon ng unibersidad, “sinakop” ng mga mag-aaral ang kabuuan ng UP at isa si Lory sa mga nangungunang lider sa pagkilos na ito. Nakalulungkot na kasabay ng pagkilos na ito ay ang pagkamatay ni Felix Rivera sa isang pakikibaka sa isang lalawigan sa Hilagang Luson. Habang nagpupulong kami sa unang palapag ng Vinzon’s Hall, napansin kong nagmamadaling umakyat si Lory sa itaas ng gusali. Pagbaba niya ay halatang namumugto ang kanyang mga mata. Napag-alaman ko pagkaraan na nasawi ang kanyang kasintahang si Felix. Nilapitan ko siya upang makiramay ngunit hindi pa ‘ko nakapagsasalita ay tinapik na niya ‘ko sa balikat at nakangiting sinabi na bumalik na kami sa puwestong aming binabantayan.

Laging nagingibabaw kay Lory ang kapakanan ng bayan. Ikalawa lamang sa kanya ang pansarili niyang interes. Walang puwang ang hinagpis kay Lory. At maraming mga nakipaglaban noon sa kalayaan ng bayan ang “nahawahan” ng ganitong katatagan ni Lory.

Kaya maaari akong tawaging isang Loryista. ####



Tungkol sa may akda:  
Joey Papa, who wrote the piece is a Carlos Palanca awardee for full length play, first and third prizes; author and creator of Batibot, the stage play; story and screen play writer; TV/Video documentary writer and director and currently President of Bangon Kalikasan Movement.



January 4, 2013

SI LORY SA AKING PAGKAKILALA

Ang madaling magbalik sa aking alaala kaugnay ni Kasamang Lory ay noong nasa ikalawang buwan na ako sa “safehouse” na kinabibimbinan ko noon mula nang ako’y mahuli noong Enero 17, 1976.  Tapos na ang pambubugbog at pagpapahirap sa katawan; nagpasasa na ang mga humuli sa paglalapat ng pahirap sa kaisipan at kalooban: pang-iintriga, maling balita at pananakot sa layuning papanghinain ang loob.

Minsan, isang araw ng Marso, nakangising pumasok ang isang opisyal  ng ahensiyang humuli sa akin (5th CSU, ngayo’y RSU4), dala dala ang isang dyaryo.  Inihagis sa akin at ipinabasa.  Nakapagtataka, sapagkat sa buong panahong inilagi ko sa safehouse na iyon, ni minsa’y hindi ako pinahintulutang magbasa ng kahit ano (kahit komiks)!  Saka ko na lamang nahinuha ang pakay nang matunghayan ko ang balita ng pagkamatay ni Lory sa isang “enkuwentro” sa Mauban, Quezon.

Napatigagal ako at matagal na hindi makapag-isip nang mahinahon.  Sa paano’ys isang matalik na kaibigan at kasama si Lory.  Tila nagka-epekto ang gustong mangyari ng walang hiyang opisyal.

Marami nang bagay ang ikinababahala ko nang mga panahong iyon – lalo na ang katayuan ng mga mahal sa buhay.  Dumating ang puntong nag-alala na ako sa demoralisasyong unti-unting gumagapang sa kalooban ko.  Hanggang naipasiya kong walang mahihita sa pagpapakalulong sa pagkaawa sa sarili at kung minsa’y paninisi sa iba.  Isang mabisang paraang ginawa ko ay ang pag-ala ala sa mga bayani at martir ng Rebolusyon.  Si Lory at ang mga panahong nagkasama kami sa ilang gawain ay naging mahalagang bahagi sa landas ng aking pagpapanibagong tatag habang nasa kamay ng kaaway.

Una kong nakita nang personal si Lory noong Abril ng 1971 sa Isabela.  Isa siya sa mga kinatawan ng mga propagandistang ipinadala roon para maghanda sa isang pambansang komperensiya ng mga propagandista.  Dapat pansining siya lamang ang babaeng kinatawan doon.

Bago kami nagtagpo ay matunog na rin ang kanyang pangalan bilang isa sa mga sulong na element ng kilusang kababaihan; patunay nito ang pamumuno niya sa MAKIBAKA, isang pambansang demokratikong organisasyon ng kababaihan noong bago ipataw ang Martial Law.  Ang unang impresyong nakintal sa akin sa una naming pagkikita: militante, matalino, masigasig sa gawain at malapit ang loob sa mga kasama (warm-hearted).

Napakapositibo ng kanyang karanasan sa bundok kapiling ng mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), kung kaya’t hindi kaagad siya maka-uwi sa siyudad upang maasikaso ang gawain sa paghahanda sa gagawing komperensiya.  Doon niya muling nakadaupang-palad ang dati niyang kasintahan noong estudyante pa siya.  Di naglaon, nakasal sila (isa ako sa mga sumaksi sa kasal) at saka lamang siya “pumanaog.”

Sunod na nagkita kami sa Maynila kaugnay nga ng paghahanda sa komperensiya.  Siya ang nahirang na pinuno ng komite sa paghahanda.  Sa maraming pagpupulong at konsultahan, kapansin pansin ang kanyang kasigasigan at dedikasyon sa gawain.  Masasabing kung hindi sa kanyang pagsisinop ay baka nagtagal ang paghahanda.  Isa pa ring katangian niya na hinangaan ko ay ang diwa ng pakumbabang pag-aaral.  Hindi nahihiyang magtanong o kumonsulta kung hindi alam at sabik din naman magbigay ng kanyang kaalaman.

Sabihin pa, matagumpay na naidaos ang komperensiya sa kabila ng kahigpitan ng mga panahong iyon – naideklara na ang suspensiyon ng habeas corpus, na-wanted na sya sa salang subersiyon at namiminto na ang imposisyon ng martial law.

Di naglaon, pagkatapos ng komperensiya ay nabalitaan kong nalipat siya sa Zambales, isang binubuksang lugar ng BHB. Matagal kaming hindi nagkabalitaan.  Sunod kong nabalitaan na nasa Bicol na siya, kung saan siya nahuli.

Ang naikuwento na lang sa akin nang siya’y madakip ay ang kanyang diwang magpumiglas, sa paano’y tinangka kaagad niyang makatakas, dangan na lang at napaliligiran na siya ng maraming sundalo.

Taong 1974 (buwan yata ng Oktubre) nang siya at ilan pang detenido ay matagumpay na nakatakas sa IPIL Rehabilitation Centers sa Fort Bonifacio.  Mangyari pa, marami ang natuwa sa positibong halimbawang ito.  Naglabas pa sila ng isang pahayag ng  paglalantad sa mga pang-aabuso ng mga military sa mga bilanggong pulitikal.

Makaraan ang ilang buwan (Hunyo 1975) nakatanggap ako sa kanya ng isang liham na siya palang magiging huling pakikipag-ugnayan  ko sa kanya.

Sa liham ay isinalaysay niya ang kanyang bagoong gawain bilang isang namamahala sa gawain ng pagbubukas ng isang sonang gerilya sa Timog Katagalugan. Napakataas ng kanyang moral sa kabila ng isang matinding personal na problema: ang napabalitang “pagbaligtad” ng kanyang asawa.  Nahalata ko sa sulat ang kanyang pagsisikap na ilagay sa tamang perspektiba ang personal na problema.  Malinaw ang  pagguhit niya ng linya sa pagitan ng Rebolusyon at kontra Rebolusyon, determinasyong pangibabawan ang personal na problema (na inamin niyang hindi kaagad malulutas) at matuto sa karanasan.

Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong sumagot bunga ng kahigpitan sa linya ng komunikasyon.  Ngunit hindi makakatkat sa alaala ang tatag at tining na loob, determinasyon sa gitna ng kahirapan at pagkamuhi sa kaaway na ipinahiwatig niya sa sulat at ipinamalas niya hanggang sa huling sandal ng kanyang buhay.

Sa alaala ni Kasamang Lory, iniaalay ko ang isang kasabihang narinig ko rito sa bilangguan: “Ang problema ay hindi kung lalaki ka o babae; ang problema ay kung handa kang lumaban o hindi.”

(Sa aking pagkatanda sinulat ito ng isang kasama na hindi nagpakilala mga ilang buwan pagkamatay ni Lorie. Walang pamagat ang kathang ito na kusa ko na lamang nilapatan.  Rosa Mercado)







ELEGY

“I cannot give you much or ask you much.”

not for a noonday walk,
the leaves and flowers we saw
collaged on asphalt--
no, nor my confessions to the grass;

not even, friend, the sufferer we created,
wave-crucified upon the rocks;
not even, friend, word-passion, yours
or mine;

only, that it is sad,
we have seen, and it is sad,
each other stripped to our youth.